16

By

Alvarez, ‘di kailangang magpaliwanag sa no-el issue – Palasyo

Sharing is caring!

Walang balak ang Malacañang na pagpaliwanagin si House Speaker Pantaleon Alvarez sa isyu ng no elections o “no-el” sa 2019 para bigyang-daan ang pagsusulong ng Charter change.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isang independiyenteng sangay ng gobyerno ang Kongreso kaya’t hindi kailangang pakialaman ito.

Batid aniya ng mga mambabatas na ang pangunahing mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ipatupad ang batas kaya’t nasa mga mambabatas na kung susuwayin ang itinakda sa Saligang Batas para sa midterm elecrions.

“Hindi naman po kinakailangang magpaliwanag dahil alam naman natin na indipendiyenteng sangay ng gobyerno ang Kongreso. At alam ng mga mambabatas ang obligasyon ng Presidente ay tagapagpatupad ng Saligang Batas,” ani Roque.

Ang no-el ay inilutang ni Alvarez para bigyang-daan ang pagpapatibay sa bagong binalangkas na Konstitusyon sa isinusulong na federal system.

Hindi naman sumang-ayon ang ilang mambabatas sa plano ni Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?