18
views
ABANTE-TNT-ALVAREZ-SA-SENADO

Alvarez: Aminin na ng Senado may pagkukulang sila

Sharing is caring!

Dapat umanong aminin ng Senado ang realidad at aminin ang kanilang pagkukulang lalo na sa pagpasa ng ilang mahahalagang mga panukalang batasm, ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez.

Kabilang na aniya dito ang Death Penalty Bill na naipasa na noong Marso ng 2017 subalit nakatengga lang sa Senado

“Hirap na hirap kami dito sa House of Representatives, nag-o-overtime yung mga congressmen para lang maipasa yung isang panukalang batas,” ayon sa Speaker.

“Pagdating naman sa Senado sumasabit, nakabinbin doon. Tingnan mo yung death penalty, hanggang ngayon nandoon pa rin, inaamag na yun,” wika pa nito.

Samantala, itinanggi Alvarez na may personal silang away ni Senate President Aquilino Pimentel III kasunod ng kanyang pagtawag sa Senado na “Mabagal na Kapulungan.”

Subalit nilinaw nitong ang kanyang pagpuna ay justified naman at nagiging defensive naman si Pimentel nang sabihin niyang mabagal ang Senado sa pagpasa ng mga panukalang batas.

“Alam mo, yung sinasabing ganyan, depensa na lang iyan. Ang tagal-tagal naman ng pag-aaral na iyan, walang mangyayari sa atin kung mag-aaral tayo habang buhay, matatapos na lang yung termino natin nag-aaral pa rin tayo,” ani Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?