46

May 12, 2020 @ 9:36
By

Alternative work arrangement ipatutupad sa mga tanggapan gobyerno

Limang alternative work arrangement, ipatutupad sa mga tanggapan ng gobyerno, ayon kay Commissioner Aileen Lizada ng Civil Service Commission.

Ang mga agency heads umano ang magdedesisyon sa work arrangement dahil sila ang mas nakakaalam ng estado ng kanilang mga empleyado.

Pasok sa kategorya ng mga magwo-work from home ang mga buntis, PWD, at senior citizens.

Nabatid na may limang alternative work arrangement ang ipatutupad sa mga govt. Office kabilang na ang WFH.

Gayundin ang 4 days compressed work, staggered hours, skeletal force at isa pang work arrangements.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?