9

Sep 17, 2020 @ 15:41
By

Alternative Learning System bill OK na sa bicam – Gatchalian

Inaprubahan na sa bicameral conference committee ang isang panukala na nagi-institutionalize sa Alternative Learning System (ALS).

“Aprubado na po ng Bicam ang Alternative Learning System Act!” pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, arts and culture sa kanyang Twitter account.

“Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa ating isinusulong. Malaking tulong ito para sa ating mga kababayan na makabalik sa pag-aaral at magkaroon ng pangalawang pagkakataon sa buhay,” dagdag nito.

Kailangang maratipikhan muna ang bicameral committee report ng naturang panukala sa Senado at Kamara bago ito mai-transmit sa Malacanang para sa lagda ng pangulo.

Kapag naging batas na ito, tinitiyak ng panukala na magkakaroon ng “equitable access” sa edukasyon ang sinuman partikular iyong mga nakatira sa mga liblib na lugar, ng mga conflict-affected communities at mga komunidad na nasa emergeycn situation.

Sa pamamagitan ng panukalang ito, ang mga gusto mag-enrol dito ay magkaaroon ng ‘systematic, flexible, at appropriate basic education program kahit walang dumaan sa formal school system.

Noong 2019, may 278,000 indibidwal ang nag-enrol sa ilalim ng ALS program ng Department of Education (DepEd).

Ang ALS ay isang community-based education kung madalas itong isinasagawa sa mga community learning centers, barangay multi-purpose halls o sa bahay, depende sa napagkasunduang iskedyul sa pagitan ng estudyante at guro nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?