101

Nov 8, 2017 @ 18:36
By

Alternate route sa ASEAN, nilinis sa kolorum

Hinuli ang limang kolorum na passenger vans ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT sa bahagi ng Ortigas Extension sa Brgy. Tikling, Taytay, Rizal.

Ayon kay Elmer Argano, communications officer ng I-Act, nakahuli rin sila ng limang motorcycle riders na walang lisensiya kaya’t na-impound ang mga motorsiklo ng mga ito.

Sinabi pa ni Argano na ang operasyon ng Task Force Alamid ay para malambat ang mga colorum na mga sasakyan na bumibiyahe sa C6 Road.

Aniya, ang naturang kalsada ang isa sa magiging alternatibong daan ng mga motorista na patungo sa timog at silangang bahagi ng Metro Manila kapag isinara ang C5 at EDSA dahil sa ASEAN Summit. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?