108

By

Alona magpapamisa para kay Sisi Rondina

Kahit natalo ang UST ni MVP Cherry Ann “Sisi” Rondina sa Game 2 best-of-three Finals series kontra Ateneo Lady Eagles, sobrang proud pa rin ang ina nitong si Alona sa tagumpay ng kanyang anak sa larangan ng volleyball.

Matatandaan na inilipad ng isang anonymous UST alumni ang pamilya ni Sisi mula Cebu para makanood nang live sa finals.

Present rin ang mga ito sa pagtanggap ni Sisi sa kanyang MVP award.

Pero ayon kay Alona, hindi na nila masasaksihan nang live ang Game 3 sa Sabado dahil pabalik na sila sa Compostela, Cebu sa Huwebes.

“(Huwebes) uuwi na. Okay lang naman, may TV naman. At least nakita namin si Sisi. Magpapamisa na lang ako sa amin,” kwento nito.

Meron naman advice si Alona sa pagkatalo ng UST at anak nitong si Sisi sa 4-set loss nitong Miyerkoles.

“Ganun talaga, sa laban walang talo, walang panalo. Basta lumalaban ka, panalo ka. Ganoon lang ’yun. ’Wag kang mag-expect ng mataas kasi once nag-expect ka ng mataas, masakit ’yan. ’Yun lagi kong sinasabi sa anak ko, ‘Laban lang’. Hanggang sa dulo,” wika ni Alona.

Sobrang proud din ito sa tapang at pagpupursigi ng kanyang anak.

“I’m a proud mother na naging anak ko si Sisi. Matapang. Hindi natatakot kung sino kalaban niya. Laban lang siya. ‘Yun naman ang goal niya, manalo. Kaya sabi ko basta laban anak,” sabi pa ni Alona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?