16

By

Alokasyon sa distrito ni GMA, maliit kumpara sa iba – Andaya

Sharing is caring!

Pang-100 umano ang ranking ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo mula sa 292 kongresista kung pagbabasehan ang may pinakamatataas na alokasyon sa ilalilim ng 2019 national budget.

Sa press conference sa Kamara, sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. na merong hanggang P8-billion na pondong inilagay sa mga proyekto ng mambabatas na hindi nito pinangalanan.

Ginawa ni Andaya ang pahayag para pabulaanan ang sinasabi ni Sen. Ping Lacson na nabuhusan ng malaking pondo ang distrito ni Arroyo.

Inamin ng kongresista na sila ni GMA ang tintutukoy ni Lacson sa blind item nito na tumanggap ng malaking alokasyon.

Pero paglilinaw ni Andaya, may 99 na iba pang kongresista ang mas malaki ang alokasyon sa kanilang distrito.

“Just to clarify ang allocation ng ating Speaker, she’s actually ranked about 100. Around 99 congressmen na mas malaki po ang allocation sa kanilang distrito. Ang sa akin naman po, I am ranked 186th sa allocation sa mga distrito,” ani Andaya.

Nanindigan ito na hindi ang Speaker kundi ang appropriations committee ang responsable sa dagdag na alokasyon sa Pampanga at Camarines Sur sa bersyon ng Kamara ng panukalang 2019 national budget.

“Kung titingnan po natin ang probinsya ng Pampanga, ‘yung kay Speaker hindi pa rin po sa kanya [ang] malaking allocation. May mas malaking allocation sa distrito sa kanya at doon naman sa akin sa Camarines Sur, ako po ang pinakamaliit na allocation sa aming pong probinsiya,” ayon kay Andaya.

“Para maklaro lang na hindi ganoon ang nangyari, hindi nga po pinayagan ng ating Speaker na galawin ‘yung allocation na ‘yan dahil naiintindihan din n’ya na may pangangailangan ang ating [mga] kasamahan. Pero ‘yun nga ‘yung small group (House committee on appropriations) napansin nga na napakaliit ng ranking ng ating Speaker. Siguro sa kanilang kagandahang loob, sinubukan nilang ipantay doon sa allocation nila na palagay ko hanggang ngayon mas malaki pa rin ang alokasyon nila kaysa sa ating Speaker,” dagdag ng House leader.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }