88

By

Alok ng Japan na pondohan ang Kaliwa Dam project, ikinukonsidera ng gobyerno

Hindi isinasara ng pamahalaan ang pinto sa alok ng Japan na pondohan ang pinaplanong Kaliwa Dam project sa lalawigan ng Quezon.

Sa harap ito ng naunang impormasyon na sa China manggagaling ang pondong gagamitin sa proyekto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong isang Japanese company na nag-aral at nag-alok para pondohan at isulong ang proyekto, bukod sa mas mura at mas ligtas umano ito.

Sinabi ni Panelo na dapat lamang na ikonsidera ang lahat ng mga panukalang makakatulong para mabilis na matugunan ang mga nararanasang kakulangan ng supply ng tubig sa bansa.

“Well, I think, every proposal should be considered. The objective should always be the welfare of the people. The most beneficial, the most advantageous to the government and to the people should be the primordial consideration in any contracts involving the government and other private entities,” ani Panelo.

Ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam project ay tinututulan ng mga residente sa Quezon, pati na rin ang ilang environmental groups dahil magiging peligro umano ito sa mga residenteng nakapaligid sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?