61

By

Alok kay Wade ng China, ga-bundok na datung

Sharing is caring!

May offer daw kay free-agent guard Dwyane Wade na three-year, $25 million contract mula sa Zheijiang Golden Bulls sa Chinese Basketball League, ayon sa reports ng Chinese media.

Kung totoo ang deal, si Wade ang magiging highest-paid player sa China, mas malaki pa raw ang bayad kaysa kay Andray Blatche na naglalaro sa Xinjiang.

Magiging pinakamalaking deal na rin ito overseas.

Tinapos ni Wade ang nagdaang season sa Miami Heat, pinaglaruan niya sa majority ng kanyang 15-year career sa NBA.

Nag-average ang 12-time All-Star ng 11.4 points sa 67 game sa Cleveland Cavaliers at Heat nitong nagdaang season.

May ulat noon ang South Florida Sun-Sentinel na lagpas sa salary cap sa kasalukuyan ang Heat, kaya ang maihahain lang kay Wade para sa susunod na season ay $5.3 million.

Sa isang interview, sinabi ni Heat president Pat Riley na gusto pa niyang bumalik sa team si Wade sa susunod na season. Hihintayin daw nilang magdesisyon ang unrestricted free agent.

“I want him back as a player,” deklarasyon ni Riley. “I want him back as a competitor.”
Hindi pa nakakapagdesisyon si Wade. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?