leo
By

Almazan, Sangalang, Aguilar sasandalan ni coach Austria

Sharing is caring!

Bubuuin nina Raymond Almazan, Ian Sangalang at Japeth Aguilar ang higanteng frontcourt ng Luzon team ni coach Leo Austria na isasagupa kay June Mar Fajardo at sa Philippine national team sa second leg ng PBA All-Stars.

Sa May 25 sa Batangas City ang enkuwentro ng dalawa, sa ikalawang leg ngayong taon ng midseason extravaganza na suportado ng Phoenix Fuel with Pulse Technology.

Ibinoto si Aguilar bilang starter ng Luzon All-Stars, kasama sina LA Tenorio, Calvin Abueva, Paul Lee at Jayson Castro kapalit ng injured na si Marc Pingris.

Kukumpleto sa team ni Austria sina Stanley Pringle, Matthew Wright, Arwind Santos, Marcio Lassiter at Alex Cabagnot.

Kasama ni Fajardo sa national team ni Chot Reyes sina Terrence Romeo, Roger Pogoy, Troy Rosario, Carl Bryan Cruz, Mac Belo, Allein Maliksi, Gabe Norwood, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.

Una sa three-leg spectacle ang stop sa Mindanao (Davao del Sur) sa May 23, tatawid ng Batangas, bago lilipat ng Visayas (Iloilo) sa May 27. Sa Batangas din ang obstacle challenge, three-point shootout at slam dunk side events.

Balik si Maliksi para idepensa ang three-point shootout title, tatangkain ni Chris Newsome ang back-to-back slam dunk crowns.

Magpapaligsahan sa obstacle challenge ang mga big na sina Sonny Thoss, Raymond Aguilar, Poy Erram, Kelly Nabong, Russell Escoto, Ken Bono, Asi Taulava, Doug Kramer, Aldrech Ramos, Beau Belga, Yancy de Ocampo at Yousef Taha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?