17

Oct 7, 2021 @ 17:49
By

Almazan garahe sa game 3

Nanganganib na mabaon ng 3-0 sa semifinals series ang Meralco Bolts dahil ‘di makakapaglaro ang sentro na si Raymond Almazan dulot ng ankle sprain sa game three.

Tinamo ni Almazan ang injury sa ikatlong yugto ng game two na pumilay sa pwersa Bolts at isa sa mga tumulong sa Magnolia Hotshots na magtagumpay.

Nakadagdag pa sa pagkawala ni Almazan ang ejection kay Cliff Hodge.

Bukod sa Gilas standout, hindi pa rin nakakalaro sa serye si Aaron Black dahil sa pilay sa kamay.

Gayunman, nananatiling positibo si Meralco coach Norman Black.

“We will just go with what we have and our other guys will have to step up,” wika ni Black.

Sa Biyernes nakatakda ang krusyal na game three.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?