38

Mar 7, 2020 @ 21:00
By

Almadro natalo, nasaktan, babawi

Aminado si Ateneo Lady Eagles head coach Oliver Almadro na nasaktan siya sa pagkatalo nila kontra De La Salle Lady Spikers kahapon sa main game ng UAAP Season 82 women’s volleyball tournament.

“Alam mo naman masakit kasi siyempre big deal, it’s Ateneo-La Salle,” pahayag ni coach Oliver.

Pero tiniyak naman nito na hindi porke natalo sila sa kanilang karibalan ay dapat na silang maliitin.

“One game, two games will not determine the character of the team. What’s important is we really have to go back to our purpose, we really have to recall the character we want,” sey pa nito.

Aniya, malaking experience ito para matuto sila at makabalik sa susunod na laban.

“Lahat naman ‘yan medyo masama loob – wala namang natatalong hindi masama ang loob. But what’s important is there is a lot of opportunities that the Lord will give us,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?