3

Oct 3, 2020 @ 17:21
By

Almadro miss na ang Lady Eagles

SOBRANG miss na ni Ateneo women’s volleyball head coach Oliver Almadro ang Lady Eagles.

Ibinahagi ni Katipunan-based squad mentor Almadro ang pagka-miss niya sa kanyang mga balibolista nang mag-post ito ng throwback video sa kanyang Instagram story kasama ang buong tropa.

Sa nasabing video ay makikitang masaya silang naghaharutan ng kanyang mga `Eba’ sa swimming pool habang nagba-volleyball.

“Time of team bldg. Kak-miss!!!” caption ni Coach O.

Taong 2018 kasi nang magsagawa sila ng team building sa isang private resort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?