94

Oct 6, 2017 @ 14:55

Allowance ng mga titser, dadagdagan – Recto

Isinusulong ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ilaan sa mga allowance ng mga guro ang nais ibawas na P30 bilyon sa budget ng Department of Education (DepEd).

“We can double the chalk allowance, increase the uniform allowance, implement so-called step increments so that teachers will move up the pay scale, and increase the operating fund of schools,” saad ni Recto.

Sa inaprubahang General Appropriations Bill (GAB) ng Kamara, binawasan ng P30 billion ang hinihinging pondo ng DepEd para sa pagtatayo ng mga gusali dahil sa mabagal nilang paggasta.

Sinabi ni Recto na sa halip na ilipat ang pondo sa ibang ahensya ay mas makabubuting ilaan ito sa ibang gastusin ng DepEd partikular na ang para sa allowance ng mga guro.

Sa kanyang proposal, nais ni Recto na itaas sa P8,000 ang clothing allowance ng mga guro, at doblehin ang kanilang chalk allowance at gawing P5,000.

Binigyang-diin ni Recto na dapat itaas ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga paaralan para matiyak na hindi kakapusin ang mga guro para sa kanilang mga pangangailangan.

Sa ngayon, ang MOOE anya ay nasa average na P865 bawat elementary student, P1,377 sa bawat high school student at P1,670 sa bawat senior high school student. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?