13

Oct 4, 2020 @ 18:06
By

Allowance ng mga sa pandemya dagdagan – Kiko

Kasabay ng pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan sa pamamagitan ng distance learning, nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan para sa dagdag na allowance ng mga guro na pwede nilang magamit sa internet o produksiyon ng mga module.

“Bukas, sabay-sabay bubunuin ng mga teacher, parents, at syempre ng mga students ang pag-aaral sa panahon ng COVID. Kakaiba ang tipo ng pagtuturo at pagtuto ang mangyayari kaya kailangang suportahan natin ang isa’t isa” sabi ni Pangilinan sa isang statement.

Ayon sa senador, bagama’t minsa’y tumutulong din ang mga guro para mabilhan ng notebook at iba pang mga suplay ang kanilang mga mag-aaral, nag-aambagan din umano sila para makabili ng printer para makapag-print ng modules.

Sa tulong din ng mga alumni, nagtutulong-tulong din sila sa pagkolekta ng donasyon ng bond paper para sa pag-imprenta ng mga module g ayudin ang electronic tablet para sa kanilang estudyante.

Sa kaslaukuyan, isinusulong ng Senado na dagdaga ang teaching supplies allowance ng mga public school eacher sa P5,000 mula sa dating P3,500.

Pero hindi pa rin aniya sapat ang dagdaga ng P1,500 na allowance ng mga guro.

“Habang matapang na hinaharap ng ating mga Pilipinong guro ang pandemya para patuloy na mabigyang edukasyon ang ating mga anak, ipakita natin ang ating pasasalamat sa kanilang serbisyo at siguruhing sapat ang kanilang kita,” ani Pangilinan.

“Kailangan nating siguruhin na buo ang suporta ng pamahalaan habang nag-a-adjust tayo sa tinatawag na new normal sa ating education system,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?