130

By

Allona Amor, gustong mag-ala Karla Estrada sa anak na si Nash

Sharing is caring!

Sumabak na rin sa mundo ng showbiz ang 15 year old na guwapitong anak ni Allona Amor na si Nash. Si Allona ay sumikat noong late 90’s at itinampok sa more or less, dalawang dosenang pelikula.

Huling napanood sa TV si Allona via GMA-7’s Ika-Anim Na Utos.

Ipinahayag ni Allona na bata pa lang ay kinakitaan na niya ng potensiyal ang kanyang anak.

“Five years old po or six, su­masali na siya sa SM Little Stars, finalist lang po siya; Kiddie Stars, grand finalist; Sta. Lucia Little Stars, grand finalist din po kasa­ma niya noon sina Xyriel Mana­bat, Ataska, at sa Riverbank Little Stars-1st runner-up po.

“Marami na po siyang nasalihan that time na nakitaan ko ng potential sa pagkanta, sa pagsayaw. Dahil po sa school nila siya ang napipiling kumanta sa simbahan lalo na ‘pag may first communion, then kinukuha siya ng choir sa school nila. Then ‘pag may event sa school, siya rin po ang napipili na panl­aban ng class ‘pag may singing contest. Nanalo po siyang first runner-up.”

Sinabi pa ni Allona na susuportahan niya ang anak sa hilig nito. “Ang gusto ko talaga sa kanya ay TV commercial, print ads… ‘di ko po priorty ang pumasok siya sa mundo ko, ang showbiz. Pero ‘yun po ang gusto niya, sabi niya sa akin, ‘Mama pangako ko sa iyo magigng artista ako at sisikat ako.’

“Hindi ko naman po sine­seryoso kasi sabi ko kung ipagkakaloob ng Panginoon okay lang po, kung hindi naman, okay lang din po.

“Sa ngayon po support lang ako sa gusto niya and ayaw kong harangin ang pangarap niya. Basta sabi ko, i-enjoy lang niya, lagi akong susuporta sa gusto niya as long as maganda at maayos kung saan siya mapa­pabuti at magiging masaya.
“Nandito lang po ako lagi sa tabi niya, nai-enrol ko na po siya sa voice lesson kay Vehnee Saturno, pero after ng session niya roon, lumipat kami kay coach Ryan Regala Manal ng Grand Music Palace. Sila po ang nag-organize ng concert nila sa Teatrino,” ani pa ni Allona.

Nabanggit pa ng aktres kung bakit nasabi niya na ang kanyang peg ay si Karla Estrada. “Kasi, lagi sinasabi nila na parang Karla Estrada ang dating ko, kasi ang taba ko na at may anak ako na si Nash na nahahalintulad po kay Daniel Padilla.

“How I wish tito na maging ganoon din ang mangyari sa career naming mag-ina na tulad ng nangyayari sa career ng mag-inang sina Daniel and Karla.

“Sa ngayon pinag-focus ko muna si Nash sa pag-aaral, talagang priority muna ang studies. Pero nakatapos na siya ng isang commercial po.”

Incidentally, may show si Nash sa August 13 sa Music Box, na pinamagatang Night of Music. Kasama ni Nash dito sina Eric Constantino, Young 5, Maricar Aragon, Kiana Renae, Cyell Shen, Jason Lee, at Shirleena Espinosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?