26

By

Allen Dizon sasabak sa San Sebastian International Film Festival

Sharing is caring!

Nagpapasalamat ang award-winning actor na si Allen Dizon dahil muli siyang sasabak sa isang A-List international filmfest sa pinakabago niyang pelikula.

Ang pelikula ay ang ‘Alpha, The Right To Kill’ ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza na kalahok sa San Sebastian International Film Festival. Ito ay magaganap sa September 21-29 sa Donostia-San Sebastian, Basque Country, Spain.

First time sasali ni Direk Brillante sa naturang international filmfest at makakalaban nito ang mga iba pang awarded directors sa buong mundo para sa highest prize na The Golden Shell.

“Thankful ako na makasali ulit sa isang international filmfest, dito nga sa pelikulang Alpha,” saad ng aktor.

Pero sinabi ni Allen hindi niya iniisip ang award dahil mapasali lang sa filmfest na ito ay malaking karangalan na para sa kanya.

“Sana naman, actually mapasama lang sa abroad, sa film festival ay masaya na ako, eh. So kung mananalo ng award, bonus na lang iyon,” nakangiting pakli niya.

Ang naturang pelikula ay may kinalaman sa war on drugs. Hinggil ito sa isang corrupt na pulis at sa kanyang asset. Iikot sa buhay nila ang kuwento. Malalaman dito ang masalimuot na buhay ng isang asset at kung paano patatakbuhin ng isang pulis ang buhay ng asset.

Bukod kay Allen, tampok din sa pelikula sina Elijah Filamor na gumaganap bilang asset niya, at Baron Geisler.

Ipinahayag ni Allen na ang Alpha, The Right To Kill ay magpapakita ng mga salot sa lipunan, na hindi lang mga pusher kundi mga pulis din.

“Itong Alpha, parang ano rin, parang war on drugs, pero pulis ako. Pulis ako na korap. Korap na ako yung hahawak ng runnner, hawak ko yung asset na ‘pag may nakuha silang shabu, ipinapabenta ko sa kanya.

“Makikita rito yung mga salot sa lipunan, pero hindi lang yung mga nagbebenta ng drugs o yung mga pushers, kundi pati mga masasamang pulis,” sabi ni Allen.

Hindi naman daw siya nag-aalalang maging negative ang reaction ng pamahalaan sa pelikula nila dahil ipinakita lang daw nila ang totong nangyayari ngayon sa war on drugs.

“Sanay naman siguro ang government diyan, sanay na sa mga war on drugs, napapanahon naman iyong pelikula.

“Ipinakita lang yung talagang sitwasyon, ‘tsaka yun naman ang focus ng presidente namin di ba, iyong war on drugs? ‘Tsaka gusto talagang tanggaling yung drugs dito sa Pilipinas pero siguro talagang napakahirap tanggalin. Ang daming mga taong gustong sumira sa mga kabataan, di ba? Malaking pera kasi e, kapag pera talaga masisira yung tao, e.”

So, hindi anti-government ang movie na ito?

“Hindi, hindi naman. Para sa akin di naman. Para sa akin ano lang, message lang. Message sa mga gustong tamaan, message sa mga gustong iparating sa mga nanunungkulan o sa mga may power na ang hirap silang itumba dahil may power sila, may pera sila…

“So siguro, sana makapag-isip sila na hindi maganda rin yung mga tiwaling Gawain nila. Hindi ba?” Saad pa ni Allen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?