22

Allen Dizon humakot ng Best Actor awards bilang pipi

Sharing is caring!

By NONIE V. NICASIO

Patuloy ang ‘pagsabog’ ng pelikulang Bomba, isa sa obra ni Direk Ralston Jover.

Ang pelikulang tinatampukan nina Allen Dizon at Angellie Nicholle Sanoy ay mapapanood sa Informative Section ng 16th Pyongyang International Film Festival sa North Korea sa September 19 to 28, 2018.

Ito ang nag-iisang Filipino feature film na mapapanood sa naturang biennial film event.

So far, ang pelikulang Bomba ay nagbigay na kay Allen ng five Best Actor award. Kabilang dito ang Warsaw Film Festival, Dhaka International Film Festival, Sinag Maynila Independent Film Festival, Gawad Tanglaw at FAMAS Awards at tatlong Best Actress naman para kay Angellie, kabilang ang Warsaw Film Festival, Image India-Madrid at Sinag Maynila Independent film Festival.

Nanalo rin ang pelikula ng Best Screenplay, Best Direction, Best Story, Best editing at Presidential jury award for Best Picture sa 16th Gawad Tanglaw Awards. Sa 4th Sinag Maynila Independent Film Festival, nagwagi rin ito ng Best Direction at Best Cinematography.

Ang pelikula ay metaphor kung ano ang nagbubunsod sa isang tao upang sumabog sa sitwasyon ng pagkagipit o kawalan ng pag-asa.

Aminado si Allen na may halong kabang naramdaman sa pelikulang ito dahil sa kabuuan nito ay wala siyang dialogue, pipi or deaf-mute kasi ang papel ni Allen dito.

“Hindi ko pa kasi ‘yun nagawa at isipin ko pa lang, parang ang hirap na ganoon na wala kang dialogue, action lang siya, facial expression, at mata lang. Bale, hindi maingay na pipi iyong character ko rito, kumbaga ay subtle lang.

“Actually, nag-enrol pa ako sa St. Benilde sa School for the Deaf, para sa tamang sign language at kung paano sila maki-pag-usap. Kasi dapat sakto lang at tama ang iaarte mo at hindi iyong mag-i-improvise ka. Plus, sa shooting ay mayroon pa kaming sign language coach,” pahayag ng award-winning actor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?