74

By

Allen at Meryll tampok sa MMK ngayong Sabado

Sharing is caring!

Tatampukan nina Allen Dizon at Meryll Soriano ang ‘Maalaala Mo Kaya?’ episode ngayong Sabado.

Gumaganap dito sina Allen at Meryll bilang mag-asawa. Siya ay isang mangingisda rito at sa sobrang hirap ng buhay ay napilitan ang misis niya na makipagsapalaran bilang OFW.

Si Meryll si Alma, isang asawa at ina na kinailangang maghanapbuhay sa ibang bansa para sa kinabukasan ng pamilya. Pero paano kung sa kabila pala nito ay may nakaabang na trahedya?

Nakahuntahan namin ang award-winning actor na si Allen hinggil sa episode na ito ng MMK.

Wika ni Allen, “Ang role ko rito, asawa ko si Meryll… ako si Manuel, isang mangigisda na naiwan sa mga anak dahil nag-abroad ang asawa niya dahil sa kahirapan ng buhay.

“Kaya nakipagsapalaran sa Riyadh, Saudi Arabia ang misis niya… mabait akong asawa, responsable, pero hindi sapat ang kinikita ko para sa mga anak namin. Kaya nag-abroad siya at may nangyaring trahedya sa kanya roon. Matindi iyong away namin at drama sa bawat eksena…

“Pero tinanggap pa rin ni Manuel ang nangyari kay Alma dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang asawa.”

Ano ang masasabi niya kay Meryll?

“Mahirap ang role at challenging, pero masaya at masarap katrabaho si Meryll, magaling siya. At si Direk Nuel Naval, masarap katrabaho at napakagaling din,” paliwanag pa ni Allen.

Ang episode ngayong linggo sa MMK ay pinamagatang Marital Confessions. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Nuel Naval at mapapanood this Saturday, September 8, 8:30pm., pagkatapos ng The Kids’ Choice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?