129

Nov 2, 2017 @ 18:17

Allegiance fees sa mga balik Pinoy, bawal yan – Drilon

Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagkulekta ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng allegiance fee mula sa mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa na gustong kumuha muli ng Philippine citizenship.

Diin ni Drilon, isa nag -akda ng Dual Citizenship Law, wala sa batas ang pagkulekta ng allegiance fee.

Iginiit pa na tagapagbigay ang DFA ng serbisyo at hindi ito ahensya na tagalikom ng kita para sa gobyerno.

“The DFA is not an income-generating institution. It exists for the service of Filipino citizens abroad,” ayon kay Drilon.

Sinabi ito ni Drilon matapos pagsumbungan ng mga nakausap na Pilipino habang nasa Spain noong Oktubre 29.

Kinukolektahan umano ng €45 euros ang mga gustong manumpa muli bilang Filipino citizens muli.

“The DFA should immediately stop the collection of the allegiance fee from Filipinos in various parts of the worlds, who are applying to re-acquire their Philippine citizenship under the Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003 (Republic Act 9225),” diin ng senador.

“It would not help us to convince our fellow Filipinos, who have lost their Filipino citizenship if we continue to burden them with heavy fees,” dagdag nito.

Paliwanag ni Drilon, sa RA 9225, ang mga natural-born Filipino na nawala ang Filipino citizenship dahil sa naturalization sa ibang namsa ay maaring kumuha muli ng Filipino citizenship kapag nag-Oath of Allegiance sa harap ng otorisadong opisyal ng pamahalaan. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?