22

By

All-Pinoy title bout Palicte vs Nietes, magsasalpukan na!

Sharing is caring!

Sa Sabado (Linggo ng umaga sa Pilipinas) na ang pinakahihintay na paghaharap ng dalawang Filipinong boksingero na sina Donnie ‘Ahas’ Nietes at Aston ‘Mighty’ Palicte para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) junior bantamweight title sa The Forum sa Los Angeles, California.

Sa panayam ng The Ring TV kay Palicte, sinabi nito na masaya siya na maging bahagi ng makasaysayang laban na ito at isa aniya ito sa kanyang pangarap na makatungtong sa championship ring.

Ang bakbakang Nietes at Palicte ang ikatlong all-Filipino bout sa kasaysayan ng boxing kahanay ang laban nina Jonas Sultan at Jerwin Ancajas noon lamang Mayo at nina Pancho Villa at Clever Sencio noong 1925.

“I’m happy because I belong in the history of boxing; actually I’m emotional because I can’t expect this. It’s my first time and I thank God if I win the championship,” sabi ni Palicte.

Sinabi din nito na nabanggit niya rin ang laban na ito ay kay eight-division world champion at pambansang kamao Manny Pacquiao at pinayuhan aniya siya nito.

“He said ‘Good luck, you know what to do inside the ring and I trust you’,” sabi nito.

Binanggit din nito na kahit na anong mangyari sa kanilang dalawa ni Nietes sa ring ay mananatili sa ring dahil trabaho lang aniya ito at para ito sa mga Filipino.

“Sana po suportahan niyo kami ni Donnie Nietes at sana po ay isama niyo kami sa dasal niyo na sana walang mangyari sa amin. Gawin namin ‘yung best namin para mapasaya kayo,” dagdag nito. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }