office-of-the-ombudsman

Alkalde sa Zambo del Sur, pinasisibak ng Ombudsman

Sharing is caring!

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang dismissal ni Margosatubig, Zamboanga del Sur Mayor Roy Encallado dahil sa grave misconduct sa maanomalyang pagbili nito ng fish cages, fingerlings at fish feeds.

Kabilang din sa pinasisibak ang ilang opisyal at miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC).

Base sa imbestigasyon ng Ombudsman, nakatanggap ang munisipalidad noong 2014 ng P5 million grant mula sa Department of Agriculture.

Naglabas ang Commission on Audit ng Notice of Disallowance noong Abril 14, 2016, matapos makitang nagbayad ang respondents sa Barcelona Spring Farm ng P4.11 million bago pa nakumpleto ang delivery, inspection at acceptance ng supplies noong Pebrero 20, 2015.

Dahil dito, nilabag umano ng mga respondent ang procedure sa R.A. No. 9184 hinggil sa pagbili ng fish cages, fingerlings, at fish feeds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?