65
crime-scene-dead
By

Alkalde sa Nueva Ecija todas sa ambush

Sharing is caring!

Patay ang mayor ng bayan ng General Tinio sa Nueva Ecija nang pagbabarilin kaninang alas-singko ng hapon.

Sa report ni Police Chief Supt. Amadus Corpus, director ng Police Regional Office 3, tinambangan si Mayor Ferdinand Bote habang nasa labas ng tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA) sa Cabanatuan City.

Sakay umano si Bote ng kaniyang kotse kaninang alas-4:50 ng hapon nang pagbabarilin ito.

Dead-on-arrival ang alkalde sa MV Gallego Cabanatuan General Hospital.

Si Bote ang ikalawang alkalde na napatay sa loob lang ng dalawang araw.

Pinaslang kahapon ng umaga habang nasa flag raising ceremony si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?