133

Dec 11, 2017 @ 17:25
By

Aljur-Robin face to face, inaabangan na

Kitang-kita sa mukha ni Kylie Padilla ang saya na sa ikalawang pagkakataon, muling nakita at nakarga ng kanyang papa na si Robin Padilla ang kanyang anak na si Alas.

Captured din ang moment habang nakaupo sa lap ni Robin ang apo at tila panakaw na kinukunan ng picture ni Kylie ang mag-lolo. Ipinost din niya ito sa kanyang IG account na may caption na, The Grandfather.

Walang duda rin naman na aliw na aliw si Robin sa kanyang apo, lalo pa nga’t lalaki ito. So far, sa ilang okasyon pa lamang nagkikita ang mag-lolo. Siguro hindi na rin magtatagal na sa mga casual na pagdalaw sa bahay, family events naman ang kasunod.

‘Yung kasama na rin si Aljur Abrenica? Siguro, mas doble ang saya ni Kylie kapag dumating ang moment na ‘yun. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?