235

Mar 1, 2021 @ 19:15
By

Aljur, Kylie nag-aaway sa pera – Lolit Solis

Isyu raw sa pera ang dahilan ng “hiwalayan” nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ayon sa showbiz columnist na si Lolit Solis.

“I bet Salve na puwede pang maayos iyon problema nila Aljur Abrenica at Kyle Padilla. Aside from may 2 silang anak, mula’t sapul very passionate ang love nila sa isa’t isa. Talagang kahit nuon umpisa ay lagi on the rocks ang kanilang relasyon, sa altar parin napunta ang kanilang romance,” sambit ni Lolit sa isang Instagram post.

“Very pathetic naman iyon issue na pera ang dahilan ng away nila, iyon financial unstability ng bawat couple lagi talaga nagiging problema, pero seasonal naman ang pagiging busy sa showbiz, puwede wala trabaho ngayon, but later nandiyan na naman mga offers,” dagdag niya.

Naniniwala naman si Solis na maaayos ng dalawa ang problema.

“Pansamantala lang siguro iyan, medyo natuliro lang sa problema, pero with proper guidance, sure na maayos din. Mukhang good team naman sila, ayusin lang ng konti, ok na.”

Umugong ang balita na “on the rocks” ang marriage ng dalawa dahil sa ilang post ni Kylie sa Instagram na tila nagpapahiwatig nito gaya nang mag-post siya ng “I’m submissive not stupid” na sinundan pa ng “More selflove, babygirl.”

Nag-post pa siya ng photo ng kanyang kamay na hindi na suot ang kanyang wedding ring at isang solo photo na may caption na “Free”, na kalaunan ay tinanggal niya.

Ikinasal sina Aljur at Kylie noong December 2018.

May dalawa na silang anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?