192

Dec 11, 2018 @ 19:11
By

Aljur, Kylie ikinasal na

Sa wakas ay ikinasal na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ngayong Martes.

Sa Instagram post ng labellefete, makikita ang bridal march ni Kylie suot ang off-shoulder wedding gown habang napapaligiran ng mga roses at kandila.

Makikita namang nakasuot ng kulay beige suit si Aljur katabi ang kanyang best man na si Vin Abrenica.

Inanunsiyo nina Aljur at Kylie ang kanilang engagement noong January 2017.

Mayroon na silang isang anak, si baby Alas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?