67

Oct 23, 2021 @ 18:47
By

Aljur kay Kylie: ‘Talagang minahal ko ’yung babaeng ’yon’

Sa gitna ng patuloy na girian sa pagitan ng kampo nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, biglang lumambot ang puso ng aktor at ibinaba ang kanyang sarili upang matapos na umano ang isyu.

Ibinuhos ni Aljur ang saloobin sa press conference ng kanyang bagong pelikulang ‘Manipula.’

Saad ng aktor, nagawa niyang ilahad ang viral niyang social media post noong Martes dahil napuno na rin siya.

“The reason why na nagawa ko ’yun out of impulse. I felt like nasadsad na’ko. Lubog na ko. Nabugbog na’ko,” aniya. “It was not my intention na maglabas na ganong post pero naramdaman ko talaga na kailangan.”

Dito na rin sinabi ni Aljur na ayaw na niyang ipaliwanag pa ang sarili sa hiwalayan nila ni Kylie.

“Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gustong i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at ganon kaapektado ’yung mga tao dahil sinubaybayan niyo ’yung pagsasama namin ni Kylie,” wika ni Aljur.

“I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ’yung babaeng ’yon. And I valued our family more than anything. So I was really affected nu’ng nangyari yon. And in respect, sana, di ba, pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali din ako,” dugtong pa niya.

Sinabi rin ng aktor na gusto na niyang matapos ang isyu para sa dalawang anak nila ni Kylie.

“At for the sake of our children . . . gusto ko na matapos ‘to. Hanggang do’n na lang. In the future, they gonna see this.”

Ilang buwan lamang ang nakakaraan mula nang maghiwalay ang dalawa buhat nang ikasal noong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?