71

Aljur, itinanggi na sinulot kay JC ang ‘Asintado’

Itinanggi ni Kapamilya actor Aljur Abrenica na papalitan niya si JC Santos bilang lead actor sa sisimulang series na ‘Asintado’.

Sa ulat ng PEP, sinabi ng aktor isang press conference para sa upcoming drama, na magkaiba ang ginagampanan nilang karakter sa series.

“It wasn’t me. I was excited to work with JC at the time, but he couldn’t do it, so it was changed,” aniya.

Nauna nang pinahayag ni JC na tinanggal siya sa project at inilipat sa ibang drama series kung saan iba rin ang magiging kapareha niya.

Sa ‘Asintado’, karakter ni Abrenica si Xander, na lalaking tutulong kay Juliana (Julia Montes) para gumanti sa pamilya ni Salvador del Mundo, pero mai-in love siya sa babae kalaunan.

“My character was their victim too. Xander’s parents died, just like what happened to Juliana, so the two of them are now seeking justice to overthrow Salvador,” ani Aljur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?