583

Oct 20, 2021 @ 23:25
By

Aljur ginugutom daw ni Kylie

Minaltrato umano ni Kylie Padilla ang asawang si Aljur Abrenica, ayon sa source ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa episode ng “Cristy Ferminute”, sinabi ni Cristy, na ayon sa kanyang source, hinahayaan ni Kylie na magutom si Aljur noong magkasama sila sa bahay.

“Ikinukuwento nung source na galing din sa kanila, umalis na nga lang sa kanila, na kapag dumarating daw si Aljur at magluluto ng pagkain ‘yung kanilang kasambahay, sasabihin (ni Kylie), ‘Huwag ka na magluto, hayaan mo siyang magutom. Hindi naman siya ang gumagastos dito sa bahay.’

“‘Di ba? Napakasakit nun,” pahayag ni Cristy.

“Mayroon ding source na nagkuwento sa atin na madalas magpunta si Kylie sa Pampanga, sa kanyang ina, nandoon kasi noon si Liezl at saka ‘yung mga tita niya. Na kapag bumabalik si Kylie iba na ‘yung kanyang ugali,” dagdag niya.

Kagabi, Oktubre 19 binasag ni Aljur ang pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie.

Nakiusap si Aljur kay Kylie na sabihin ang totoo kung sino sa kanila ang unang nangaliwa at sumira sa kanilang pamilya.

Rumesbak naman si Kylie ng quotation na: “Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes.”

Nag-tweet din ang aktres ng #passdivorcebill.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?