22

Jan 26, 2021 @ 20:17
By

Aljur Abrenica may mensahe kay Kylie

Sa Instagram binati ni Aljur Abrenica ang misis niyang si Kylie Padilla na nagdiwang ng kanyang ika-28 na kaarawan kahapon.


“To my strong willed, witty, stubborn, sarcastic and loving Partner. You’re amazing at whatever you do,” saad niya sa caption ng naturang post.

Tinawag rin ng aktor na isang mapagmahal na ina at mapang-unawang misis si Padilla.

“A loving Mom, an inspiring Artist, Humanitarian and an understanding wife that’s why i love you very much,” aniya.

“May it be a significant Birthday ever for you. Happy Birthday Mahal,” dagdag pa niya.

Tumugon naman dito ang aktres at nagpasalamat na may kasamang heart emoji.

2018 nang ikinasal ang dalawa sa isang garden sa Rodriguez, Rizal.

Kasalukuyan silang may dalwang anak – sina Alas Joaquin (3-anyos), at Axl Romero (1-anyos).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?