Alisah Bonaobra, nag-goodbye na sa ‘X Factor UK’

Sharing is caring!

Matapos mabigyan ng ilang beses na pagkakataon na manatili sa kumpetisyon, pinal nang namaalam sa “X Factor UK” ang Pinay singer na si Alisah Bonaobra.

Sa kanyang final performance, inawit ni Bonaobra ang “Praying for Time” ni George Michael.

Bagama’t standing ovation ang mga judges na sina Sharon Osbourne at Nicole Scherzinger, nabigong mag-stay si Bonaobra dahil siya ang nakakuha ng may pinakamababang public votes ng gabing iyon.

“I never thought I’d go this far, and I can’t believe I just did it. Thank you very much for all your support,” sabi ni Bonaobra.

Si Bonaobra ay tinawag na “comeback queen” dahil naisama ito sa wildcard act ng “The X Factor UK” kahit na ilang beses na itong na-eliminate sa kumpetisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?