674

Jun 16, 2019 @ 13:26
By

Alis GSW na? Cousins nagpasalamat sa Golden State

Isang taon lang ang kontrata ni Demarcus Cousins sa Golden State Warriors, ilang laro lang din nakasalang at bigong makuha ang asam na kampeonato.

Sa parating na offseason, free agent na ang four-time NBA All-Star, hindi pa sigurado sa susunod na koponang paglalaruan.

Sa social media, nagpasalamat na si Cousins sa Warriors, sinabing mas gutom pa matapos maranasan ang Finals.

“Helluva year! Grateful for every moment. Love to my brothers! We overcame a lot of bs this year and fought to the very end. Didn’t end the way we wanted but proud as ever how we finished this season. Got a taste of the big lights and I’m even hungrier for more!” ayon kay Cousins.

Ipinaabot din nito ang pagsuporta kina Klay Thompson at Kevin Durant, na dumanas ng injury sa postseason.

Sa tono ni Cousins, mukhang iniisip nitong lumipat na ng team kung saan mas makakakuha siya ng malaking halaga, ngunit sey ng ilang GSW fan ay dapat manatili ang sentro sa kanila, patunayan na kayang makipagsabayan sa big stage kapag 100% healthy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?