233
chris-paul
By

Alis agad sa OKC? Top 5 koponang bagay kay Chris Paul

Natapos na ang Russell Westbrook era sa Oklahoma City Thunder, may bagong star point guard ang koponan sa katauhan ni Chris Paul, ngunit magtatagal kaya ang 34-year old player sa OKC?

Hindi kaila na sasailalim sa rebuilding mode ang Oklahoma, sa mga susunod na taon hanggang 2026, posibleng umabot hanggang 15 ang first-round draft pick.

At ang pag-absorb ng kontrata ni Paul na umaabot sa halos $40M kada taon ay posibleng hindi rin magtagal sa OKC ang nine-time All-Star, tinitingnan ang posibilidad na magkasundo sa buyout o trade.

At kung sakaling matuloy, ito ang mga koponan na may tsansa at swak para kay CP3:

Minnesota Timberwolves

Kung naghahanap ang Oklahoma ng borderline star na pwedeng maging sentro ng kanilang rebuilding, nasa Minnesot Timberwolves ang kanilang hinahanap.

24-anyos pa lang si Andrew Wiggins, swak sa rebuilding ng OKC habang naghahanap naman ang Minnesota ng isa pang star na makakatambal ni Karl Anthony-Towns.

Kilala si Paul sa kakaibang chemistry sa ilang mga big man, patunay sa sumikat na Lob City noon sa LA Clippers nang makakampi sina Blake Griffin at DeAndre Jordan.

Miami Heat

Kung mga batang may potential naman ang hanap ng Oklahoma, maraming bala ang Miami.

Nandyan sina Bam Adebayo, Justice Winslow at ang breakthrough athlete sa Summer League na si Tyler Herro.

Los Angeles Lakers

Matatag ang pagkakaibigan nina Paul at four-time NBA MVP na si LeBron James, at kung sakaling i-buyout ng Oklahoma ang kontrata ni Paul, namumuro ang LA na maging susunod na destinasyon ng manlalaro.

Golden State Warriors

Dalawa na ang PG na star-caliber sa GSW, sina Steph Curry at De’Angelo Russell. Masusubukan ang kanilang chemistry lalo’t ang dalawa ay parehong ball-dominant player na kailangan ng bola para maging epektibo.

Hindi ganito ang kaso kay Paul, isa sa strength ay ang pag-distribute ng bola sa mga kakampi at kung sakali ay magiging swak sila ni Curry kaysa kay Russell.

Orlando Magic

Kung sakali, posibleng magbalik si Paul sa dating koponan na pinaglaruan, sa Orlando Magic. Ilang mga trade piece ang posibleng maipalit kay Paul, posibleng sina Markelle Fultz, Mo Bamba, Evan Fournier o kaya’y draft picks na target ngayon ng OKC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?