By

Alindog ni Nadine nambulabog na naman sa IG

Sharing is caring!

IBA rin talaga si Nadine Lustre, marunong sa timing. Hindi siya sumasabay sa mga eksena ng ibang artista, kaya kapag may pasabog siya, pinag-uusapan talaga.

Like last Monday, alam na alam mong naglulumublob na naman siya sa dagat kasama ang boyfriend niyang si James Reid, pero hindi siya nagpu-post ng pictures na makakaagaw ng eksena sa Miss Universe.

Dahil supportive siya kay Rachel Peters, na kinampaniya talaga niya sa Miss Universe, tahimik lang ang beauty niya maghapon nu’ng Lunes (Nov. 27).

Pero kahapon, Nov. 28, ‘yun na, bigla na namang binulabog ni Nadine ang social media, lalo na ang Instagram dahil na rin sa ma-emote niyang photos, na lantad na lantad ang kanyang kaseksihan.

Si Nadine lang yata ang kayang-kayang magpaka-daring talaga. Na magsuot ng 2-piece bikini, mag-emote na animo sexy model. Ito nga ang mga bagay na hindi kayang gawin nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano.

Well, iba nga kasi si Nadine. Na pag umarangkada na, nag-emote na, wala na, bulabog na ang fans niya, lalo na ang mga kalalakihan.

Well, sayang nga lang at naka-mute ang pagme-message sa Instagram ni Nadine, dahil kung hindi, malamang na kung ano-anong nakakalokang words ang ia-attribute sa alindog niya.

Well, sa loob lang ng 10 minutes kahapon, mahigit 30,000 na ang likes ng sexy photos na ‘yon ni Nadine. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?