1,382

Dec 12, 2017 @ 17:54
By

Alindog ni Alex Gonzaga pinagtawanan ni Luis Manzano

Humabol na rin si Alex Gonzaga sa pagpapa-sexy sa social media. Recently nga ay nag-post ito ng swimsuit photo na nasa swimming pool siya sa Boracay.

In fairness, kahit papayat-payat si Alex sa personal, sa photo na ‘yon, may pa-cleavage siya, at pa-curves, ha! Idagdag pa ang makinis niyang skin, at magandang shape ng legs niya.

Siyempre, todo-papuri ang followers niya. At kahit ang mga kapwa niya artista ay puring-puri ang kaseksihan niya, ha!

Humamig na rin ng mahigit 170 thousand likes ang photo na ‘yon ni Alex. Meaning, marami ang nagkakagusto sa pasilip na alindog ni Alex.

Pero, hindi ‘yon umubra sa ‘bestie’ niyang si Luis Manzano, na kaasaran nga niya sa maraming bagay. Na sa halip na purihin ni Luis ang kaseksihan ni Alex, tila inasar-asar pa niya ito.

“Wow! Ganda naman the trees. Ganda ng water. Ganda ng view. Ikaw, mabait ka!” sabi ni Luis na humamig din talaga ng libo-libong likes at comments, na sabi ay ‘best comment’ nga raw sa lahat.

Well, ganyan mag-asaran sina Alex at Luis, na kahit anong ganda, o kesehodang may achievement pa silang natatanggap, ang ending, pang-iinsulto rin ang natatanggap nila sa isa’t isa. Pero siyempre, joke-joke lang lahat ‘yon, at alam mo namang love na love nila ang isa’t isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?