54

Jun 14, 2020 @ 18:28

Alice itinago ang dyowa

NI:ARCHIE LIAO

Kahit napabalita na ikinasal na umano si Alice Dixson sa isang top executive ng isang first class resort sa Boracay, never pa naman nitong umamin tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Katunayan, nananatiling may misteryo pa rin ang lovelife ng aktres sa ngayon.

Sa latest post niya sa Instagram, makikitang nagi-enjoy siya habang nagi-stroll sa beach kasama ang isang lalake na blurred ang photo. May caption itong ” With….” na naging guessing game para sa kanyang mga follower.

Komento ng mga netizen, hanggang ngayon daw, itinatago pa rin ng aktres ang kanyang bagong partner.

Hirit ng ilan, ano raw ba ang gustong i-conceal ng ageless beauty.

Depensa naman ng iba, irespeto na lang daw ang privacy ni Alice kung hindi pa ito handang ipakilala sa publiko ang napabalitang kabiyak.

May nagsabi naman na baka natuto na ang aktres sa kanyang previous relationships kaya pinili na lang nitong magpa-low profile pagdating sa lovelife.

Matatandaan kasing hindi naging madali para sa aktres ang sinapit ng kanyang relasyon sa dating hubby na si Ronnie Miranda.

Natumbok naman ng ilang followers ni Alice na ang bago nitong partner ay may initials na GS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?