912

By

Alice Dixson sibak sa ‘Ngayon at Kailanman’?

Sharing is caring!

May balitang aalisin na raw si Alice Dixson sa ‘Ngayon at Kailanman’.

Ang dahilan kaya tsutsugihin ang magandang aktres ay ang pakikitungo nito sa mga kasamahan sa trabaho.

Pero, sayang naman kung mawawala ang character ni Alice sa NAK, Isa siya sa inaabangan ng viewers dahil sa pagkamaldita niya.

Tsika sa amin, ayaw nga raw makatrabaho ng veteran actress na si Rosemarie Gil si Alice dahil may attitude.

Sigurado kapag nawala si Alice sa NAK tiyak na maglalaylay ang teleserye nila Joshua Garcia at Julia Barretto.

Mahalaga ang character ni Alice sa teleserye bilang si Stella. Katunayan laging inaabangan ang bawat confrontation nila ni Iza Calzado (Rebecca). Si Alice ang main kontrabida sa ‘Ngayon at Kailanman’.

Sabagay noon pa namang kabataan pa ni Alice ay ‘pasaway’ na rin naman siya. But in fairness for her, madali siyang nakakapag-adjust dahil mahusay nga siyang artista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?