358

By

Alice Dixson napaso na sa kasal

Sharing is caring!

Tahimik lang si Alice Dixson pero may boyfriend na pala ito for five years.

Hindi nagawang itago sa amin nang maganda at mahusay na aktres ang tungkol sa kanyang lovelife kahit na nga hindi ito nagpu-post ng kanyang personal life sa Instagram, nang kumustahin namin kung bakit siya masaya.

Nahulaan naming may nagbibigay nang glow sa mga mata ni Alice at inamin niyang meron siyang boylet ngayon.

Sabi niya, magli-limang taon na sila nang boyfriend niya at gaya niya isa rin itong athletic.

Tumanggi na lang si Alice na magbigay pa nang ibang detalyeng makakapagpakilanlan sa identity ng kanyang boyfriend dahil non-showbiz naman raw ito.

Pero ayon sa mga susunod na mga buwan posibleng makilala na rin raw nang marami ang kasintahan dahil may mga pagkakataong ito ang kasama niya sa ilang mga piling okasyon.

Kasa-kasama rin raw niya ito sa mga events na dinadaluhan niya pero hindi raw ito dumidikit para makaiwas sa media.

Mataas, matangkad at guwapo ang deskripsyon ni Alice sa boyfriend niya na palaging nagpapatawa sa kanya dahil sa lakas ng sense of humor nito.

“Komedyante rin kasi siya kaya lagi niya akong napapatawa,” ang papuri ni Alice sa boyfriend niya.

Yun nga lang kahit matagal na sina Alice at ang boyfriend wala raw sa isip nito ang kasal lalo’t pareho silang galing sa divorce.

Diborsyada si Alice at ganundin ang kanyang boyfriend, kaya medyo napaso silang dalawa sa kasal.

Mas gusto ni Alice na ‘chill’ lang muna sila ng kasintahan at kung sakaling dumating ang pagkakataon ng engagement maaaring handa na silang dalawang magpakasal.

Samantala, ibinalita ni Alice ang tuluy-tuloy na niyang paggawa ng projects sa Kapamilya network matapos siyang lumabas sa pelikulang ‘Ghost Bride’.

Isang teleserye ang lalabasan ni Alice na mapapanood ng kanyang mga tagahanga sa susunod na taon. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?