1,780

By

Alice Dixson na-bash sa kanyang 47th birthday celebration sa Boracay

Sharing is caring!

Umani ng samu’t saring komento at pagtuligsa sa social media ang aktres na si Alice Dixson kung paano ito nakapag-celebrate ng kanyang ika-47th na kaarawan sa Boracay, gayung isinara ito sa publiko ng Department of Interior Local Government (DILG) noong Abril dahil sa pagkawasak at pagdumi ng nasabing Isla.

Dahil sa mga ipinost ng aktres sa kanyang Instagram ng mga kuha nitong nakasuot ng bikini sa Isla ng Boracay, pinutakte ito ng netizens sa social media at nagtatakang nagtatanong kung paano ito nakapag-celebrate sa Boracay gayung sa Oktubre pa ito bubuksan sa publiko.

Ilan sa mga nagpatutsada sa social media ay sina jeanoless@ na nagtatatanong…just want know, ano pong rahabilitation ang ginawa sa boracay? just search for “boracay rehab” on FB. So many things being done there; at dobermann1001 na nagasbing …”No going beyond Jetty Port. Identified tourists will not be allowed into the island and will be stopped at the Jetty Port in Malay, Aklan.”

Sa FB naman…ilang netizens din ang nagtatanong kung paano at bakit pinayagang makapasok at makapagdaos ng kanyang kaarawan ang aktres sa Boracay gayung isinara ito sa publiko.

Napag-alaman na kasama ni Dixson sa kanyang kaarawan ang kanyang kapatid na lalaki, ang alagang aso, mga kaibigan at ang kanya umanong secret boyfriend. “All I need tonight is this sunset, this ocean, my puppy, my brother and well – you know who…” anang aktres.

Batay naman sa pahayag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III, may ipinakita umanong identification card si Dixson mula sa barangay captain na siya ay residente ng Barangay Yapak sa field and security group na nakatalaga sa isla kaya ito pinayagan.

Sinasabi ring si Dixson ay kasal sa may-ari ng Crimson Hotel kaya mayroon itong ID na siya ay residente doon.

“Per info from field and security group, she was able to present an ID signed by the barangay captain that Ms. Alice Dixson is a resident of barangay Yapak. Further info, though we are still verifying, disclosed that she is married to the owner of the Crimson Hotel, the reason why she has and ID,” paliwanag ni Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III,

Nabatid na kabilang sa regulasyon sa Boracay ang “No ID, no entry Residents/workers/resort owners will be allowed entry into the island subject to the presentation of identification cards specifying a residence in Boracay. All government-issued IDs will be recognized. Non-government IDs are acceptable as long as they are accompanied by a barangay certification of residency.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?