1,169

Nov 8, 2017 @ 13:03
By

Alice Dixson, mas lalong naging dyosa nang magkaedad

Tunay nga namang isang dyosa at “ageless beauty” si Alice Dixson na sa edad nito’y napanatili ang angking ganda at alindog.

Mas lalo pang gumanda at sumeksi si Alice habang nagkakaedad.

Sa paningin ng mga barako, lalong naging katakam-takam ang aktres nang magkaedad.

Ang patunay ay ang tatlong photos na pinost niya sa kanyang Instagram account.

Kuha ang mga photos sa beach vacation ni Alice sa hindi niya pinangalanang lugar, pero makikitang nasa isang posh island resort ito dahil sa background sa photo niya.
Hindi nagpasilip ng buo niyang katawan ang aktres. Ang kuha ay sa upper part lang ng kanyang body na suot ang isang black sando.

Sapat na ang ngiti, pagkakalugay ng buhok, ang magandang hubog ng balikat, ang pagkakaumbok ng dibdib nito na hindi kayang itago ng suot niyang sando, para masabing tunay at kaakit-akit ang beauty nito.

Sa huling interview namin, ang sikreto ng ageless beauty raw nito ay tubig, exercise, healthy diet at happiness.

Sey pa ni Alice, ang laging pagngiti at positive outlook sa buhay ang source ng kanyang youthful looks. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?