443

Nov 1, 2017 @ 14:39

Alice Dixson gustong rumampa sa beauty pageant

Naniniwala si Alice Dixson na malaki ang tsansa ng anak nina Boyet De Leon at Sandy Andolong na si Mariel De Leon na masungkit nito ang Miss International 2017 crown sa taong ito.

Kasalukuyang nasa Japan ngayon ang kinatawan ng Pinas na si Mariel para sa taunang Miss International kung saan ang pinakahuling Miss International title ng bansa ay si Kylie Versoza.

Ayon pa kay Alice sa tindig, ganda at talino ni Mariel malaki ang posibilidad na mapansin ito ng mga press at judges.

Pero kailangan  pa rin raw ng dasal at suporta ng mga Pilipino kay Mariel para makadagdag nang kumpyansa nito sa sarili para sa laban nito.

Naging Miss International candidate si Alice para sa Pilipinas nong 1986 sa edad nitong 15 years old.  Hindi man pinalad ang beauty queen actress na makuha ang korona kabilang siya sa mga pumuwesto sa top 10.

Walang top 5 nong mga panahong yun.  Pipili ang mga judges mula sa top 15 kung sino ang pupuwesto bilang 2nd, 1st runner at Miss International.

Paano nga ba malalaman na may tsansa ang kandidatang mapabilang sa top finalist at manalo sa pageant.

Ayon kay Alice base sa kanyang experience, magsisimula ang tsansa ng isang kandidata kapag naging paborito siya ng press.

Mula pa lang raw sa pagdating sa Japan hanggang sa meet and greet, kapag naging paborito ng press ang isang kandidata may chance na itong mapabilang sa top finalists.

Sey pa ni Alice, kung ano ang taste o napili ng mga press isa rin yun sa mga basehan nang judges para sa mananalong MI.

Sa preliminary pa lang raw nakapili na nang top 15 ang mga judges at doon pa lang raw ay dyina-judge na ang mga ito.

Kaya dapat raw huwag nerbyusin ang sinumang kandidata lalo na si Mariel dahil makakababa ito ng kanyang performance sa kumpetisyon.

Dahil nami-miss ni Alice ang mga pageants, kung meron raw siyang gustong balikan, yun ay ang pagsali niya sa beauty pageant.

Sarap na sarap raw si Alice sa pagrampa niya at ang masaya niyang experienced sa pagsali niya noong 1986.

Syanga pala, showing na ngayon ang “Ghost Bride” na kinabibilangan ni Alice at pinagbibidahan ni Kim Chiu. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?