146

Oct 31, 2017 @ 14:30

Alibi ng Aegis Juris leader “pathetic” – Zubiri

Lalo pang nagalit si Senador Juan Miguel Zubiri sa leader ng Aegis Juris fraternity dahil panay umano palusot ukol sa pagkamatay ni Horatio “Atio” Castillo III.

Tinutukoy si Alvin Balag, ang Grand Praefectus (GP) ng Aegis Juris.

“I have only one word that can express what I eel about him and his alibi… pathetic,” pahayag ni Zubiri na kaibigan ng ama ni Atio.

Sa isinumiteng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ), hiniling ni Balag sa mga piskal na ibasura ang mga reklamo laban sa kanya na murder, paglabag sa Anti-Hazing Law at obstruction of justice.

Isinampa ang mga kaso ng mga magulang ni Atio at ng Manila Police District (MPD).

Sinabi ni Balag na hindi siya maaring idiin sa hazing dahil walang katibayan na sumailalim dito si Atio.

Iginiit din nyang hindi siya dapat panagutin sa kasong murder dahil hindi raw napapatunayan na naroon siya at lumahok sa sinasabing initiation rites.

Nauna nang sinabi ni Zubiri na hahayaan nilang mabulok si Balag sa pagkakabilanggo sa Senado dahil sinungaling.

Ayon naman kay Senador Joel Villanueva, malakas ang mga katibayang nakalap ng MPD na sinaktan si Atio.

Bukod sa resulta ng otopsiya sa bugbog nitong katawan, nakuha ang paddle sa fraternity library.

May testimonya pa ukol dito ang myembro ng fraternity na si Marc Anthony Ventura na nasa ilalim ngayon ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?