101

Mar 1, 2021 @ 13:20

Algieri binalaan si Ryan Garcia: Tulog ka kay Manny!

Binalaan ni dating WBO world light welterweight champion Chris Algieri si Ryan Garcia kaugnay sa pangarap niyang laban kay Manny Pacquiao.

“The thing about someone like Ryan Garcia is his progression from fight to fight is exponential,” wika ni Alegri sa panayam ng Fino Boxing.

“So you don’t know exactly what level Ryan’s going to be at when he comes to the fight because he is getting better every fight so that’s interesting,” pagpapatuloy niya.

Magugunitang taong 2014 nang masampolan ni Paquiao si Algieri sa Macao kung saan naka-iskor ito ng anim na knowdown dahilan para siya ang manalo sa bakbakan.

Babala ba pa ni Algeiri kay Garcia, hindi na makababangon ang 22-anyos oras na bigyan na siya ng kaliwang suntok ni Pacman.

“From the things that I saw in the Luke Campbell fight, Manny would be able to capitalize very well and if Manny puts you down, you are not getting up.”

BASAHIN:

Trainer ni Ryan Garcia takot sa kaliwang suntok ni Pacquiao, ayaw mapurahan manok

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?