105
chess
Jun 23, 2018 @ 18:56
By

Alfredo Chay nagturo ng chess sa 4 tsikiting

Apat na tsikiting ang nakilaro at nagpaturo ng chess sa lingguhang pag-organisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t Saya sa Parke, PLAY N’LEARN sa Quezon City Circle.

May 245 ang nakisali sa libreng Zumba at pagtuturo ng iba’t ibang isports, 12 ay sa chess sumabak.

Halos 200 ang umindak sa Zumba na kinabibilangan ng mga lalake, babae, bata at matatanda, 12 sa badminton, siyam sa volleyball, tiglima sa karatedo at futsal at isa sa Arnis. Nakisaya rin ang 10 senior citizens.

Nagpaturo sina five-year-old Ashley Kaira at anim na taong gulang Sam Repoledo kay coach Alfredo Chay ng chess habang naglaro ang dalawang batang lalake na sina Kyle Repoledo at Enzo Reyes kasama ng ibang participants.

“Masaya ngayong araw, (kahapon) kasi may mga tinuruan tayong mga bata at willing silang matuto, sana palaging ganito. Malay natin may maging Master balang araw na galing dito sa Play ‘N Lear,” sabi ni Chay na dating chess player at ngayon ay nag-oorganisa ng chess tournaments.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?