19

Jan 8, 2022 @ 21:31
By

Alfred Vargas nadale ng COVID

Ibinunyag ni Quezon City Fifth District Rep. Alfred Vargas ngayong Sabado na siya ay nagpositibo sa COVID-19.

“Nagpositibo po ako sa COVID-19, ayon sa huli kong test. Napakarami rin nating kababayan ang nakatanggap ng ganitong balita ngayong linggo. Sa kabila ng pangamba at quarantine, buo po ang ating pananalig at patuloy ang ating paglilingkod at pagbibigay-serbisyo,” saad ni Vargas sa kanyang tweet.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng actor-politician na siya ay asymptomatic.

“We are following all prescribed safety protocols and I continue my work from my isolation station to ensure that our services to our constituents will not be disrupted. Tuloy ang serbisyo,” saad pa ng kongresista.

Humiling din si Vargas ng panalangin para sa lahat ng dumadaan sa pagsubok ng pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?