11

Oct 24, 2020 @ 12:04
By

Alfred Vargas kolumnista na

Sakto sa kanyang ika-41 kaarawan ang unang paglabas ng column ni Quezon City Rep. Alfred Vargas sa isang pahayagan.

Sa Twitter, masayang binahagi ng actor-turned-politician ang kanyang unang artikulo na mababasa na kada linggo.

“Today as I turn 41 years old, I would like to share with you my first article,” saad ni Vargas. “Hope you’ll enjoy reading this column every week starting today!”

Sa kanyang column na ‘What’s It All About, Alfie’, binahagi ni Alfred ang kanyang mga 41 na natutunan sa buhay mula sa kanyang mga kaibigan, trabaho at pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?