253

Feb 22, 2020 @ 19:50
By

Alex tinuruang magbisikleta ni Jennylyn

Napuno ng katatawanan at kulitan ang pagtuturo ni Jennylyn Mercado kay Alex Gonzaga ng pagbibisikleta.

Sa latest vlog ni Alex, kinuwento niyang bago siya magpakasal kay Mikee Morada, gusto niyang matutong mag-bike na matagal na raw niyang pinapangarap.

“Never akong nakapagbisikleta ever in my life, sabihin ko sa’yo ha. Pedicab kaya ko pero ‘yung talagang dalawa, hindi ko talaga kaya. So kung ito ang maging last na vlog ko siya ang sisihin n’yo,” biro ni Alex kay Jen.

Sabi ni Jen, bata pa lang ay nagbibisikleta na siya at hinihiram daw niya ang bike ng kanilang kapitbahay.

Binigyan ni Jen ng tips si Alex kabilang na ang tamang pagbabalanse, pero sa bandang huli, nauwi si Alex sa bisikleta na pambata.

“Naglaro kami ng makulit na bata!” sabi ni Jen sa Instagram post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?