138

Jan 17, 2021 @ 13:45
By

Alex sinagot kung bakit tinago ang kasal sa madla

Kinasal na pala sina Alex Gonzaga at Mikee Morada noon pang Nobyembre 2020.

Sa kanyang vlog na nilabas kahapon, Enero 16, kinuwento ng TV host na “simple lang” ang naging kasal sa bahay nila sa Taytay, Rizal.

Ang kasama lang aniya ay pamilya at mga magulang niya at ng kanyang mister na isang konsehal sa Lipa City, Batangas.

“Kinasal na po kami. Isa na po akong misis. Isa na po akong maybahay, isa na po akong wife,” sey ni Alex.

Bakit ngayon lang ito sinabi ni Gonzaga sa publiko?

Sagot niya, gusto kasi nilang ang pamilya muna ang magdiwang, at ang kasal nila ni Mikee–habang may pandemyang coronavirus–ay para talaga aniya sa kani-kanilang mga magulang.

“It’s because we wanted to celebrate together as a family muna. Alam namin na may pandemic. We just wanted to keep it to ourselves for a little while to celebrate.”

“Kasi siyempre, yung nangyayari ngayon, it’s very uncertain. Hindi natin alam kung kailan matatapos ang pandemic. Siyempre, gusto namin to seal the deal na nandito kaming lahat,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?