268

Feb 20, 2021 @ 21:36
By

Alex ‘hinarot’ si Vico Sotto umani agad ng milyong views

Kaka-post pa lang ngayong Sabado ng vlog ni Alex Gonzaga kung saan guest niya si Pasig Mayor Vico Sotto ay nakahakot agad ito ng milyong views sa YouTube.

Sa umpisa pa lamang ng vlog ay panay na ang biro ni Alex sa gwapong mayor ng Pasig.

Ilan sa mga tinanong ni Alex kay Sotto ang dahilan ng pagtakbo niyang alkalde at response ng local government sa coronavirus pandemic.

Ipinasyal din ni Sotto ang aktres sa Pasig City Hall.

Naitanong kay Mayor Sotto kung pumapatol ba ito sa mga basher.

“Dapat hindi ka masyado maapektuhan, pero sa isang banda, naniniwala ako, as a public servant, tinitingnan ko rin ‘yung feedback,” sagot ni Sotto.

Napansin naman ni Alex sa opisina ni Sotto sa wala itong larawan na naka-display.

“Hindi ako mahilig sa mga picture ko. At saka, pag project ng LGU, bawal maglagay ng malaking pangalan ko. Bawal ‘yun. Kasi pera ng taumbayan iyon, e. Bakit ako maglalagay ng pangalan ko?” paliwanag ni Sotto.

“Ang ibig ko lang sabihin, wala tayong utang na loob sa mga politiko. Puwede tayo magpasalamat kasi, maganda ‘yung proyekto, maganda ‘yung programa. Pero wala tayong utang na loob. Iba ‘yun,” dagdag niya.

Sa ngayon naman aniya ay wala pang panahon si Sotto sa pakikipagrelasyon at pokus muna siya sa trabaho.

Kinulit din ni Alex na pakainin si Sotto ng biko at painumin ng buko.

Habang sinusulat ito ay may mahigit 1.5 milyong views na ang vlog na may title na “A Day with Mayor Vico by Alex Gonzaga”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?