30

Oct 17, 2021 @ 20:53
By

Alex Gonzaga umaming nakunan

Malungkot na ibinahagi ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram post ngayong Linggo na siya ay nakunan.

Sa kwento ni Alex, tatlong buwan na ang nakakaraan ng madiskubre nila ng asawang si Mikee Morada na siya ay nagdadalang-tao.

Ngunit ang dagok ay nalaman nila tatlong linggo ang nakararaan, kung saan sinabi ng doktor ang posibilidad ng anembryonic pregnancy (blighted ovum).

Bagamat sinalubong nina Alex at Mikee ng panalangin ang kanilang pagsubok, nangyari pa rin ang hindi inaasahan.

“The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying. Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday (Oct12), the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy. We share our story to give hope that in the midst of this pain and loss the Lord will always sustain you,” kwento ni Alex.

Sa kabila ng pagsubok ay nagawa pa rin ng aktres na palakasin ang loob ng ibang mag-asawa na pinagdadaanan din ang kanilang sitwasyon.

“To any couple who’s going through this or who might go through this pain, don’t ever lose hope. It’s not your fault this happened. At your own pace you can start to grieve and heal,” aniya.

May mensahe in siya sa kanilang dapat ay magiging anak.

“To our baby whom we almost had, thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span. Lastly, thank you to everyone who gave us time to heal.”

Binaha naman ng mensahe ng encouragement ang comment section sa post ni Alex.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?